Naibunyag ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang ilang ginawang pagbili ng Procurement Service – Department of Budget and Management ay maaring hitik ng mga anomalya, pandaraya o korapsyon.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kinuwestiyon ni Drilon ang tila pagpabor sa ilang mga kompaniya, na nakakuha ng bilyong-bilyong pisong halaga ng mga kontrata sa PS-DBM.
Binanggit niya ang Pharmally Pharmaceutical Corp., na may idineklarang puhunan na P625,000 lamang, ngunit nakakuha ng P8.68 bilyong halaga ng kontra sa gobyerno.
Diin niya ‘overpriced’ ang face masks na nabili sa Pharmally sa P27.72 bawat isa samantalang may nag-alok ng P13.50 at P17.50 at ang test kit ay binili ng P1,720 ang isa kahit mabibili lang sa P925.
Ang PPE na binili ng 1,910 bawat isa ay maaring makuha ng P945, ayon pa kay Drilon.
Kinuwestiyon din ng senador na mga electronic companies ang nakakuha ng kontrata na may halagang P2 bilyon para sa face shield.
Aniya 1.32 milyong face shields ang binili sa Philippine Blue Cross Biotech Corp., bukod pasa hiwalay na mga kontrata na nagkakahalaga ng P432.17 milyon.
“Mukha po yatang may mga favored suppliers ang PS-DBM. Dapat malinawagan tayo sa proseso at kuwalipikasyon,” sabi pa ni Drilon.