Apektado pa rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdadala pa rin ang naturang weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region at Western Visayas.
Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, kasama ang Metro Manila, may posibilidad na makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.
Aniya, walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa teritoryo ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
MOST READ
LATEST STORIES