Bunsod nito, napalakas pa rin ang local tourism industry sa kabila ng ipinatutupad na travel restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma Eisma, nagmula ang kita mula sa room charges para sa mandatory quarantine ng OFWs at iba pang returning overseas Filipinos (ROFs) nakauwi via Subic Bay International Airport (SBIA).
Binayaran ng pamahalaang nasyonal ang hotel charges sa ilalim ng Repatriation Assistance Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ani Eisma, humigit-kumulang 4,300 OFWs ang na-repatriate sa pamamagitan ng SBIA simula nang gamitin ng Philippine Airlines (PAL) ang Subic bilang alternate gateway para sa repatriation program noong Hulyo.
Nasa 17 OFW flights na aniya ang dumating sa Subic simula noong Hulyo, kung saan hindi bababa sa 180 hanggang 300 pasahero ang sakay kada eroplano.
“At around P2,600 per OFW per day, and with the quarantine period ranging from seven to 10 days, hotels earn at least P18,200 or at most P26,000 for each arriving OFW. The more than 4,300 OFWs who have arrived in Subic under the repatriation program therefore translates to about P96 million in total hotel earnings for two months,” saad ni Eisma.
Nakatutulong aniya ang naturang programa para sa mga local hotel, lalo’t wala masyadong customer simula nang magkaroon ng pandemya noong March 2020.
“We are also happy to be able to help speed up the government’s repatriation program,” dagdag nito.
Ayon sa SBMA Tourism Department, nasa 23 hotels and accommodation facilities ang kasama sa quarantine hotel program. 19 sa nasabing bilang ay nasa Subic Bay Freeport Zone habang apat naman sa Olongapo City.
Hinikayat naman ni Eisma ang mga local hotel na makiisa magpalista sa Department of Tourism (DOT) upang mabigyan ng accreditation para sa naturang programa.