Death toll sa pagsabog sa Kabul airport, umabot na sa 72

AFP photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring dalawang pagsabog sa Hamid Karzai International Airport sa Kabul, Afghanistan.

Base sa ulat, umakyat na sa 72 ang kabuuang bilang ng nasawi.

Ayon sa dalawang opisyal na nagtrabaho sa ministry of health sa Afghanistan, karamihan sa mga biktima ay babae at bata.

Karamihan din sa mga sugatan ay nagkaroong ng trauma bunsod ng insidente.

Nangyari ang pagsabog sa labas ng paliparan kung saan dagsa ang mga Afghan na nagbabakasaling makaalis ng naturang bansa matapos itong masakop ng Taliban.

Read more...