Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (August 27), pumalo na sa 1,916,461 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 142,531 o 7.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 17,447 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.96 porsyento ang moderate; 1.1 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 113 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 32,841 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,771 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,741,089 o 90.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.