Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong mamamahayag na si Melo Acuña

Photo credit: Melo Acuña/Facebook

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilyang naulila ng beteranong mamamahayag na si Melo Acuña.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lagi niyang maaalala si Acuña sa kaniyang makabuluhang mga tanong na palaging naibabato nang may pagrespeto at sensitivity sa regular press briefing sa Malakanyang.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nawalan sila ng mabuting kaibigan at isang magaling na reporter.

Pag-alala ni Andanar, patuloy na nagri-report si Acuña kahit pa naka-confine na sa Quezon City General Hospital.

Isinalarawan ni Andanar si Acuña bilang isang prangka at straightforward sa kaniyang pagtatanong.

Si Acuña ay dating station manager ng Radio Veritas.

Pumanaw si Acuña, Biyernes ng umaga (August 27), dalawang araw matapos magpositibo sa COVID-19.

Ipinapanalangin din ng Palasyo ang agarang pagggaling ng may bahay ni Acuña nasi Jhonna Acuña na positibo rin sa COVID-19.

Parehong na-confine ang mag-asawang Acuña sa Quezon City General Hospital.

Read more...