Bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center, lalo pang tumaas

One Hospital Command Center Facebook photo

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang head ng One Hospital Command Center, nasa 550 na tawag kada araw na ang kanilang natatanggap.

Mas mataas ito kumpara sa 120 na incoming calls na natatanggap kada araw noong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Vega, marami rin silang outgoing calls o backlog na kailangang maresolba o mai-refer na mga pasyente sa mga ospital.

Sa kabila nito, sinabi ni Vega na kinakaya pa naman nila ang mga tawag dahil mas maayos na ang kanilang connectivity at koordinasyon sa mga ospital kung saan pwedeng dalhin ang mga pasyente na may COVID-19.

Read more...