159 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 159 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (August 27), 33,975 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,778 ang aktibo pang kaso.

131 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 32,095 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 102 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...