Pangakong suporta kay Rep. Romualdez kapag tumakbo sa pagka-VP, tutuparin ni Pangulong Duterte

Patuloy na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong susuportahan si Leyte Congressman Martin Romualdez kung tatakbong bise presidente sa 2022 national elections.

Pahayag ito ng Palasyo kahit tinanggap na ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP –Laban na maging pambato sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nanatili ang suporta ng Pangulo kay Romualdez.

Gayunman, sinabi ni Roque na sa ngayon, wala namang indikasyon na tatakbong bise presidente si Romualdez.

Sinabi pa ni Roque na “a man of his word” naman si Pangulong Duterte.

Kung tutuloy man aniya si Romualdez na tumakbong bise presidente, hindi na tatakbo si Pangulong Duterte.

Matatandaan na noong Hunyo, nangako si Pangulong Duterte na susuportahan niya si Romualdez kung tatakbong bise presidente.

Read more...