Tatlo pang nakaalis na Filipino sa Afghanistan, nakauwi na

Nakauwi na ang tatlo pang Filipino na nakaalis sa Afghanistan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ng kagawaran na mula sa Kabul, pumunta ang tatlong Filipino sa Doha para makauwi.

Sa ngayon, nasa 185 na ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nakaalis na sa naturang bansa.

Tiniyak ng DFA na patuloy na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang gobyerno at international partners para masiguro ang paglilikas sa mga nalalabing Filipino sa Afghanistan.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: isbpeatn@gmail.com

Read more...