Bilang ng mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, sumampa na sa 9-M

Sumampa na sa siyam na milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Huwebes ng madaling-araw, August 26, nasa 9,197,265 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 4,385,985 enrollees sa public; 247,874 sa private; habang 6,079 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 1,549,432 enrollees.

Sumunod dito ang Region 3 na may 887,417 enrollees, at National Capital Region na may 874,035 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

Read more...