172 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19; Isa pa ang nasawi

Nasa 136 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (August 26), 33,826 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,750 ang aktibo pang kaso.

172 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 31,974 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 102 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...