Lagpas 4.47 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,476,994 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 649,680.
Sumunod na rito ang Brazil na may 576,730 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 436,396 naman ang death toll sa India habang 255,452 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 197,944
– Russia – 178,423
– United Kingdom – 132,003
– Indonesia – 129,293
– Italy – 128,914
– Colombia – 124,474
– France – 113,665
– Argentina – 110,966
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 214,762,361 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 192,097,283 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.