Ayon sa pahayag ng kagawaran, mula sa CHDs ay ililipat naman sa mga lokal na pamahalaan at private health facilities ang pondo.
“Naibigay na po ng DBM ang paunang request na 311 million pesos para sa SRA ng 20,208 na healthcare workers. Huwag po kayong mag-alala at madadagdagan pa itong bilang ng mga healthcare workers na makakatanggap ng SRA sapagkat kasalukuyan tayong nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang LGU at private hospitals sa pamamagitan ng ating mga CHD, upang makalap ang bilang ng health workers na marapat pang makatanggap ng SRA,” sabi ni Health Usec. Leopoldo Vega.
Nabatid na nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga pribado at pampublikong ospital para sa pagsusumite ng listahan ng mga kuwalipikadong healthcare workers.
Inatasan din ang CHD na magsagawa ang ‘town hall meeting’ sa mga ospital para maipaliwanag ang pag-proseso sa SRA.
Kinilala naman ng kagawaran ang pangangailangan na maayos pa ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya para mas mapabilis ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga medical frontliners.