Umarangkada na ang vaccination rollout sa ilang piling barangay sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na unang ikinasa ang community vaccination sa Barangays 181, 378 at 393.
Sinabi ni Punong Barangay Jasmin Onasin, tig-1,000 doses ng Sinovac vaccine ang kanilang natanggap.
Una nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na layon ng community vaccination na mapalapit at mapabilis ang pagpababakuna sa mga Manilenyo na nais nang magkaroon ng proteksyon sa COVID 19.
Samantalang ngayon araw ay tig-1,500 doses ng COVID 19 vaccines ang itinalaga sa apat na mall at 11 eskuwelahan na ginagamit na vaccination areas sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES