Election security preparations ipinag-utos na ni PNP Chief Eleazar

Inutusan na ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang lahat ng kanyang unit at area commanders na simulan na ang paghahanda para sa eleksyon sa susunod na taon.

Dapat aniya matiyak na ang eleksyon ay magiging maayos at mapayapa.

Katuwiran niya epektibo ang maagang paghahanda para maiwasan ang mga karahasan na may kinalaman sa halalan, gayundin para mapigilan ang mga plano na makakaapekto sa integridad sa pagboto.

“Kasabay ng mainit na usapan sa eleksyon sa susunod na taon, inatasan ko na ang lahat ng ating area commanders na umpisahan na ang paghahanda upang matiyak ang malinis at maayos na halalan sa ating bansa,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.

Sinabi pa nito na kasama sa gagawing paghahanda ay ang pagtutok sa mga private armed groups at ilegal na armas na maaring magamit sa election period.

Makikipag-ugnayan naman ang PNP sa AFP para sa ilalatag na seguridad sa mga lugar na masasabing malakas ang presensiya ng New People’s Army.

Read more...