Hindi pa alam ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan huhugutin ang P45 bilyon na kakailanganin para pambili ng COVID 19 booster shots.
Katuwiran ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda, ‘unprogrammed fund’ ang kinakailangan na halaga kayat wala pang pondo para sa booster shots.
“Dahil nandito ito sa unprogrammed fund ano, hahanapan ng pondo pa iyan ano kas inga at this point, hindi pa nga sigurado ang science sa booster shots ‘no,” sabi ng opisyal.
Pagtitiyak naman din nito na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil makakahanap sila ng pondo.
“Doable naman iyong pagkuha niyan ng mga excess revenue for the purpose next year. Pero ang talagang makakasagot niyan will be DOF kasi sila ang nagdi-generate kumbaga ng revenues,” paliwanag ni Canda.
Aniya wala pang makakapagsabi na base sa siyensa na kailangan ng booster shots.