“What’s happening? Ang kalaban natin ay Covid. Mas importante ba ang ELCAC kaysa RITM? It does not make sense. Government seems to be removed from the realities on the ground,” puna ni Binay.
Diin nito kritikal na support line ng Department of Health ang RITM sa pagharap sa pandemya at dapat ay nabibigyan pa ng prayoridad sa halip na tapyasan ng pondo.
“At a time when we need a reliable and stable lead center in our fight against the pandemic, DBM chooses to cut back RITM’s budget. Year-in year-out, binabawasan lagi. ‘Di ba ang dapat gawin ay ang palakasin pa lalo ang mga public health service institutions, hindi pahinain,” giit ng senadora.
Binanggit niya na ang RITM ay hirap-hirap sa kanilang operasyon dahil sa limitasyon sa pondo.
Tiniyak na ni Binay na tututulan niya ang hinihinging pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na taon at kakausapin niya ang mga kapwa senador na dagdagan ang pondo para sa health research, disease surveillance, genomic testings, at national public hospitals.
“Paano tayo makakapag-level up kung laging iniipit ang kakarampot na budget para sa health, testing at Covid response, pero may bilyones na budget sa red-tagging,” dagdag pa niya.