Lumutang ang magandang balita matapos ipost ng creative director ng Preview magazine na si Vince Uy sa kaniyang Instagram account ang pasilip sa magiging cover nila para sa kanilang issue ngayong Mayo.
Makikita sa post kahapon si Wilson na nakasuot ng bridal gown at may caption pa na “Here comes the bride! As Miss Wilson bids goodbye to singlehood, say hello to Mrs. Burnand. Just in time for @ilovegeorgina’s beautiful wedding happening tomorrow in the UK.”
Sa post din na ito ipinahiwatig ni Uy ang kaniyang kagalakan sa pagpapakasal ni Wilson kasabay ng kaniyang pagbati.
Nasa London ngayon ang karamihan sa mga kaibigan ni Wilson kabilang na sina Isabelle Daza, Solenn Heusaff at finance na si Nico Bolzico, Anne at Jasmine Curtis-Smith, Liz Uy, Raymond Gutierrez, Bea Soriano, Martine Cajucom at BJ Pascual.
Mababtid din na lahat ng mga nasabing kaibigan ni Wilson ay nagpost sa kanilang Instagram accounts na sila ay nasa London.