Bomba sumabog sa Lamitan City

lamitan bsilanSumabog ang isang bombang nakatago sa isang multicab sa kahabaan ng Flores Street sa Lamitan City, Basilan, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Gean Gallardo ng Lamitan City police, nirespondehan na ng kanilang mga tauhan kasama ng mga militar ang insidente na naganap sa harapan ng Evangelical Church sa nasabing kalsada, ganap na alas-8:25 ng gabi.

Dagdag pa ni Gallardo, naroon na rin sa pinangyarihan ang mga explosives experts para imbestigahan ang lugar.

Ayon naman kay Lamitan City Mayor Roderick Furigay, may pangalawa pang pagsabog na naganap, at hinihinala ng mga otoridad na posibleng magkaroon pa ng ikatlong pagsabog.

Wala namang ni isang nasugatan o nasaktan sa pangyayari.

Read more...