BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 125,000; 13,573 ang nadagdag

Mahigit 13,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 25), pumalo na sa 1,883,088 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 125,378 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 13,573 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

95.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 0.94 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 228 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 32,492 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 15,820 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,725,218 o 91.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...