Ire-release na ng Deaprtment of Budget and Management (DBM) ang P311 milyong pondo para sa special risk allowance ng 20,000 health workers sa araw ng Miyerkules, August 25.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Budget officer-in-charge Undersecretary Tina Rose Maria Canda na matatanggap na ng Department of Health (DOH) ang naturang pondo sa araw ng Miyerkules.
Bahala na aniya ang DOH na mag-download ng pondo sa health workers.
Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 10 araw na palugit ang DBM at DOH para bayaran ang special risk allowance ng health workers.
Miyerkules ng umaga, nagsagawa na rin ng noise barrage ang health workers sa Jose Reyes Memorial medical Center sa Maynila dahil sa hindi pa nababayaran ang kanilang mga benepisyo.