Mayor Sara, sinupalpal ang matataas na opisyal ng PDP-Laban

Sinupalpal ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga matataas na opisyal ng PDP-Laban dahil sa paninisi sa kanya sa nangyayaring gulo sa loob ng partido.

Partikular na binanatan ni Mayor Sara sina Senador Koko Pimentel na tumatayong executive vice chairman ng PDP-Laban at Ronwald Munsayac na tumatayong executive director ng partido.

Ayon kay Mayor Sara, hindi siya ang dapat na sisihin sa sitcom sa loob ng partido.

“Do not blame me for the sitcom that your party has been reduced to. I am not a ‘Last Two Minutes’ person. I think, I organize, and I implement accordingly. In the meantime, I refuse to be a political punching bag for a party in complete disarray,” pahayag ni Mayor Sara.

Itinutulak kasi ng grupo ni Munsayac ang tambalang Senador Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections habang ang grupo naman ni Pimentel ay itinutulak si Senador Manny Pacquiao na tumakbong pangulo ng bansa.

Read more...