Bilang ng nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, higit 1.2-M na

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 24, nasa 42,753 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 7,673 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 31,992 sa MRT-3 habang 3,088 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 1,262,448 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Pinalawig ang libreng sakay sa railway lines kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang August 31.

Read more...