Go-Duterte tandem, tuloy na sa 2022 elections – Mayor Sara

Tuloy na ang Senador Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Durterte tandem sa 2022 national elections.

Ito ang kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Mayor Sara, kinausap na siya ng kanyang amang si Pangulong Duterte at kinumpirma na tuloy ang kanyang planong pagtakbong bise preisdente habang si Go naman ay tatakbong presidente.

Ayon kay Mayor Sara, hindi naging pleasant o kaaya-aya ang pagpupulong nilang mag-ama.

Tanong ni Mayor Sara, kung nakaya ng kanyang ama na aminin sa kanya ang naturang plano, bakit hindi raw nito maamin sa harap ng publiko.

Binigyan umano siya ni Pangulong Duterte ng dalawang opsyon.

Una ay ang iindorso ang Go-Duterte tandem.

Pangalawa ay kunin si Go na kanyang bise presidente.

Marami na kasi ang humihimok kay Mayor Sara na tumakbong pangulo ng bansa.

Hiling ni Mayor Sara kay Pangulong Duterte at Senador Go, itigil na ang paninisi sa kanya kung tatakbo o hindi sa nalalapit na eleksyon.

Sa Talk to the People ng Pangulo, Martes ng gabi (August 24), kinumpirma nito na tinatanggap niya ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagka-bise presidente.

“Gusto talaga ninyo? Oh, sige, tatakbo ako ng bise presidente. Then I will continue the crusade. I’m worried about the drugs, insurgency — well, number one is insurgency, then criminality, drugs. I may not have the power to give the direction or guidance, but I can always express my views in public. For whatever it may be worth in the coming days, nasa Pilipino na ‘yan. Nandiyan lang ako, magsabi lang ako,” pahayag ng Pangulo.

Pero sa naturang Talk to the People, na-edit o hindi inire ng Radio Television Malacañang ang bahagi ng sinabi ng pangulo na aatras siya sa pagka-bise presidente kung tatakbong presidente ang kanyang anak na si Mayor Sara.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, may delicadeza raw kasi ang pangulo kung magkakaroon ng Duterte-Duterte tandem.

Read more...