Bilang central care unit ng Davao Region at pinakamalaking government hospital sa Mindanao, makatutulong ang donasyon upang mapalawak ang patient-care capacity nito.
Dinala ng BOC Davao ang isang 40-footer container van lulan ang hospital beds, walkers, medical trolleys, folding beds, at iba pa.
Tinanggap naman ni SPMC Medical Chief Dr. Ricardo Audan, FPAFP ang mga donasyon at ipinarating ang pasasalamat upang mapabuti ang medical facilities para sa kanilang frontline workers at mga pasyente.
Tiniyak naman ng BOC Davao sa publiko na tuloy ang kanilang full operation sa kabila ng pagpapatupad ng skeletal work arrangements at mabilis na pagre-release ng lahat ng commodities lalo na ang Personal Protective Equipment (PPE), medical equipment at donasyon na dumadating sa mga pantalan.