165 pang pulis, gumaling sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 129 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (August 25), 33,702 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,787 ang aktibo pang kaso.

165 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 31,814 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 101 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...