Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 214.01 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 214.01 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 214,012,258 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 38,968,925 cases.

Sumunod na rito ang India na may 32,512,366 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,615,008 naman ang kaso sa Brazil habang 6,785,374 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,649,630
– United Kingdom – 6,555,200
– Turkey – 6,253,711
– Argentina – 5,148,085
– Colombia – 4,894,702
– Spain – 4,804,424
– Iran – 4,756,394
– Italy – 4,494,857
– Indonesia – 4,008,166
– Germany – 3,884,417
– Mexico – 3,249,878

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,465,597 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 191,509,690 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...