Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo na naging ‘close contact’ siya ng isang kawani sa kanyang opisina na lumabas na taglay ang 2019 coronavirus.
“While we have been religiously following health protocols, I was a very close contact. I started my quarantine yesterday after she developed symptoms. Because of this, I need to continue with my quarantine,” sabi ni Robredo sa kanyang Facebook post.
Sinabi pa niya na alinsunod sa protocols, sasailalim siya sa RT-PCR testing sa darating na araw ng Lunes, ang ika-pitong araw ng kanyang ‘exposure.’
Kahit mag-negatibo ang resulta ng kanyang swab test, sinabi pa ni Robredo, kailangan na tapusin niya ang 14 araw na quarantine period.
Naibahagi niya na kinailangan niyang kanselahin ang ilan sa kanyang mga aktibidad.
“Apologies to everyone who may be affected by this. I will continue to work from home during the entire period,” sabi pa nito.