Mayor Isko gumaling na sa COVID 19, lumabas na ng ospital

Makalipas ang ilang araw na confinement, lumabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Mayor Isko Moreno Domagoso ngayon umaga.

Nagbahagi ang Manila Public Information Office ng mga larawan na nagpapakita ng paglabas ni Domagoso ng ospital.

Sa isa mga larawan, may hawak si Domagoso na papel na may nakasulat na, “ I am a COVID 19 survivor.”

Sinabi ni Julius Leonen, ng Manila PIO, maaring sumailalim pa muna ng hanggang tatlong araw na home isolation ang alcalde.

Noong Agosto 15 naisapubliko na positibo sa COVID 19 si Domagoso at sa ospital ay nakaranas ito ng hanggang moderate symptoms.

Read more...