Distribusyon ng ECQ ayuda sa Maynila matatapos na

Nasa 97 porsiyento na  sa 380,820 benipesaryo ang nakatanggap na ng kanilang panibagong ECQ ayuda.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno Domagoso na 369,676 na sa mga naapektuhan nang pagpapairal muli ng ECQ ang nakatanggap ng karagdagang cash-aid.

Bunga nito, sa P1.523 bilyon na ibinigay ng pambansang gobyerno, P1.478 bilyon na ang kanilang naipamahagi.

Aniya ang bawat benipesaryo ay tumanggap ng P4,000 mula sa pambansang gobyerno.

Inaasahan na matatapos pa ang distribusyon bago ang deadline sa darating na Agosto 31.

Read more...