Pangulong Duterte aatras kung tatakbo ang anak na si Mayor Sara

Handang umatras si Pangulong Duterte sa pagkandidato sa pagka-bise presidente kapag nagdesisyon ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo naman sa pagka-presidente sa 2022 elections.

 

Ibinahagi ni Presidential spokesman Harry Roque na sa recorded Talk to the People kagabi, nabanggit ni Pangulong Duterte ang makakapagpa-atras sa kanya ngunit hindi ito na-edit ang bahaging ito ng kanyang pahayag.

 

Ayon pa kay Roque sinabi ni Pangulong Duterte na aatras sila ni Sen. Christopher Go kapag natuloy ang kandidatura sa presidential election ng kanyang anak.

 

“If I were to quote him, ang kanyang sinabi ay ‘ Should Sara decide to run, Bong Go is out. For my part dahil delicadeza, hindi puwede dalawa kami diyan. If she runs, out na rin ako,’ so yun po ang sinabi niya,” ani Roque.

 

Kinumpirma naman ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na matapos aminin ang pagtakbo sa pagka-bise presidente, agad din naman sinabi ni Pangulong Duterte ang dahilan na makakapagpa-atras sa kanya.

Read more...