Kinumpirma na ni Pangulong Duterte ang pagtanggap sa nominasyon ng PDP Laban na maging vice presidential candidate ng partido sa 2022 national elections.
Sa Talk to the People kagabi, inamin ni Pangulong Duterte na sa kanyang pagtakbo ay nais niyang maipagpatuloy ang kanyang mga kampaniya.
Nagpahayag siya ng pagkabahala ukol sa problema sa mga rebeldeng-komunista, droga at kriminalidad.
Sinabi nito na bagamat malilimitahan na ang kanyang kapangyarihan kung papalarin siyang magiging susunod na bise-presidente, tiniyak niya na isasapubliko niya ang kanyang mga pananaw.
Ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa papalapit na halalan ay unang idineklara ng PDP-Laban, ang partido kung saan siya ang chairman.
Samanatalang, si Sen. Christopher Go ay muling sinabi na wala siyang interes na maging standard-bearer ng PDP-Laban.