Caloocan City Mayor Oscar Malapitan idineklara ang sarili na COVID 19 positive

Inanunsiyo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na taglay niya ang nakakamatay na COVID 19.

Sa inilabas niyang pahayag, sinabi niya; “Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa COVID 19.”

Ayon pa sa alkalde maayos naman ang kanyang kondisyon at siya ay nagpapagaling na.

Dagdag pa niya, ang lahat ng kanyang mga naging ‘close contacts’ ay pinayuhan na niya na sumailalim sa swab test at mag-isolate.

Libre ang swab test na iniaalok ng pamahalaang-panglungsod.

Pagtitiyak pa ni Malapitan, magpapatuloy ang mga operasyon at aktibidad ng city hall.

“Umasa po kayo na ang inyong lingkod ay patuloy na nakaantabay sa mga nagaganap at pangyayari sa ating lungsod habang patuloy ang aking komunikasyon sa mga iba’t ibang sangay ng ating pamahalaan,” diin niya.

Read more...