Kumambiyo na si Pangulong Duterte sa kanyang paninindigan na hinding-hindi niya bibitawan si Health Secretary Francisco Duque III.
Sa pagbabago ng tono ni Pangulong Duterte, sinabi niya na kung magbibitiw na si Duque ay hahayaan na niya itong umalis ng kanyang gabinete.
Gayunpaman, nilinaw nito na hindi niya sisibakin sa puwesto ang kalihim.
Ngayon ay muling nasasangkot sa kontrobersiya si Duque base sa mga obserbasyon ng Commission on Audit (COA) sa maling paggasta ng DOH ng kanilang pondo para tugunan ang COVID 19 crisis.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala naman masamang nagawa si Duque kayat hindi niya ito aalisin sa puwesto.
Dagdag pa niya, paninindigan niya ang kanyang desisyon kahit ikabagsak pa niya.
MOST READ
LATEST STORIES