Sub-section 5 ng CALAx, binuksan na

DPWH photo

Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang ceremonial opening ng Cavite-Laguna Expressway (CALAx) Sub-section 5 mula Silang East Interchange hanggang Sta. Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite.

“While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the Sub-section 5 or 5.14 kilometers Silang East Interchange to Sta. Rosa-Tagaytay Interchange component of Cavite Laguna Expressway or CALAX Project was completed and will be now opened to public use,” pahayag ng kalihim.

Sinabi ni Villar na kayang ma-accommodate ng Sub-section 5 ang 5,000 motorista kada araw, dagdag pa sa 10,000 users ng binuksang CALAx subsections 6, 7, at 8 mula Sta. Rosa hanggang Mamplasan.

Aniya, minamadali na ang konstruksyon ng MPCALA Holdings upang mabuksan na rin sa mga motorista ang buong 45 kilometrong CALAx na nagkokonekta sa CAVITEX Sa Kawit, Cavite at South Luzon Expressway-Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna.

Oras na maging kumpleto, bababa sa 45 minuto ang travel time sa pagitan ng CAVITEX at SLEX.

Mababawasan din ang bigat ng trapiko sa Governor’s Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road at bilang suporta sa national development policy.

Makakatulong din ito upang makapagbigay ng maayos na transport facilities sa Eco-zones sa Cavite at Laguna Provinces.

“More than providing efficient transportation links, the CALAX project under public-private partnership arrangement with the MPCALA Holdings – a unit of the Metro Pacific Investments Corporation, will help hasten economic recovery by providing jobs and promote the Calabarzon as a preferred destination for investment and growth,” ani Villar.

Sinimulan ang P35.68-billion Cavite-Laguna Expressway noong July 2017, na bahagi ng Build, Build, Build Program ng gobyerno.

Read more...