Hindi na umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Asahan aniya ang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Bicol region, CALABARZON, Metro Manila, buong Visayas, CARAGA, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Magbantay aniya sa katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan dahil posible itong magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa ibang bahagi ng Luzon at Mindanao, asahan ang mga panandaliang pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Bagama’t maulan, sinabi ni Rojas na walang inaasahang bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.