Tinupok ng apoy ang storage area ng Food and Drug Administration sa Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 7:35 kagabi at umabot sa unang alarma.
Naideklarang fire under control bandang 7:55 bago tuluyang naging fire out ng 8:08 ng gabi.
Ayon sa BFP, nasunog ang one-storey Feed Storage Room ng FDA.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, ang feed dryer machine ang naging sanhi ng sunog.
Tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang nasunog.
MOST READ
LATEST STORIES