Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 23, nasa 22,713 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 101 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,538 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
205 naman ang bagong gumaling kung kaya 12,808 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
35 naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,367 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 12,965 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,569 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,017 naman ang kaso sa Americas at 5,162 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.