DFA: 182 Pinoy, nakaalis na sa Afghanistan

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakaalis o na-evacuate na ang 182 Filipino sa Afghanistan.

Sa situation bulletin sa araw ng Lunes, August 23, kinumpirma ng kagawaran na pitong Filipino ang nakaalis na sa Kabul at nagtungo sa Almaty.

Lima rito ang umalis sa Kabul noong August 22 habang ang dalawang iba pa ay nakaalis noon pang nakaraang linggo ngunit nito lamang nakumpirma ang kanilang kinaroroonan.

Samantala, limang Filipino naman mula sa Jakarta ang dumating na sa Pilipinas at nakasailalim na sa quarantine.

Sinabi ng DFA na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa 27 nalalabing Filipino sa Afghanistan.

“Of this number, 10 have signified their intent to remain in Afghanistan, while the remainder have requested to be evacuated,” saad ng kagawaran.

May iba pang umalis na Filipino sa Afghanistan na hindi babalik sa Pilipinas dahil sa iba’t ibang rason.

Tiniyak ng DFA na lahat ng repatriates na nakaalis sa Afghanistan ay naasistihan ng Philippine Embassies at Consulates General.

“The DFA has been working with various governments so that repatriates in transit need not fully quarantine in the transit country, as they will be undergoing quarantine upon arrival in the PH,” dagdag pa nito.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: isbpeatn@gmail.com

Read more...