BREAKING: 18,332 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa loob ng isang araw

Lagpas sa 18,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 23), pumalo na sa 1,857,646 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 130,350 o 7.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 18,332 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.5 porsyento ang asymptomatic; 0.92 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 151 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 31,961 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 13,794 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,695,335 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...