P120-M halaga ng yate, nasamsam ng BOC

BOC photo

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port (MICP) ang apat na luxury yachts na nagkakahalaga ng P120 milyon na idinaong sa Manila International Container Terminal (MICT).

Nasamsam ito ng ahensya sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), katuwang ang Enforcement and Security Service (MICP-ESS) at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa bisa ng inilabas na seizure order ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales alinsunod sa Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Tinukoy ang mga vessel sa Le Boss (approx 70 footer), Yuzhen8 (approx 55 footer), Yua Hal Ming Zhu (approx 110 footer), at Gu Cheng Gang Guan (approx 59 footer).

Ginagamit umano ang mga yate bilang transport services, tirahan at inaalok bilang venue para sa mga event nang walang conversion permit para sa local use at pagbabayad ng tamang duties at taxes.

Tiniyak ng MICP na mananatili silang nakatutok bilang mandato na bantayan ang border ng bansa laban sa smuggling sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Read more...