Ayon kay Yap, makikipagpulong siya, kasama si House Speaker Lord Allan Velasco kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa darating na Huwebes, August 26.
Layong maipaliwanag sa Ehekutibo kung bakit kailangang masertipikahang urgent ang panukalang General Appropriations Act (GAA) para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.
Sinabi ng mambabatas na ang 2022 national budget ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng bansa, ngunit maigsi aniya ang panahon ng Kongreso para tapusin ang deliberasyon at paghimay sa panukalang pondo.
Magbe-break kasi ang Kongreso para sa paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2022 national and local elections.
Ani Yap, mayroon lamang humigit-kumulang isang buwan ang Kamara para tapusin ang deliberasyon at pagpasa sa panukalang pondo.
Tiwala naman si Yap na mauunawaan at pagbibigyan ng Pangulo ang hirit na sertipikahang urgent ang panukalang 2022 national budget dahil hindi naman ito para sa Kongreso o sa Ehekutibo, kundi para sa mga Pilipino.