Anunsiyo na malapit nang matapos ang imbestigasyon ng NBI sa PNP-PDEA shootout, welcome sa pulisya

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang anunsiyo ng Department of Justice (DOJ) na malapit nang matapos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa shootout ng ilang pulis at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noong buwan ng Pebrero.

“The unfortunate incident between the anti-narcotics operatives of the PNP and the PDEA in Quezon City was a tragedy that we both learned a lot from,” pahayag ni Chief, Police General Guillermo Eleazar at aniya, “As a result of this, nagkaroon ng isang napakagandang coordination protocol na pinangunahan ko mismo at ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na ngayon ay ipinapatupad na down to the ground level.”

Sinabi ng hepe ng pambansang pulisya na makakaasa ang publiko na anuman ang maging resulta ng imbestigasyon ay pag-uusapan nila upang mapabuti ang coordination protocol base sa perspektibo ng DOJ.

Kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon sa shootout, pumirma na ang dalawang ahensya ng joint memorandum circular na naglalaman ng unified guidelines na ipatutupad ng PNP at PDEA sa anti-illegal drug operations.

Ani Eleazar, “We need a united front to win the war on drugs and this is what the memorandum circular ensures: that anti-illegal drug operatives work together to stop the traffic of illegal drugs and eradicate the narcotics trade in the country.”

Sinabi ng DOJ na maaring maisumite ng NBI ang final report ukol sa insidente sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Naganap ang shootout malapit sa isang mall sa Commonwealth Avenue kung saan nasawi ang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang PDEA informant.

Read more...