Bilang ng pulis na nasawi dahil sa COVID-19, sumampa na sa 100

Nasa 150 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (August 23), 33,438 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,846 ang aktibo pang kaso.

116 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 31,492 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 100 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...