Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 212.59 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 212.59 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 212,597,446 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 38,545,144 cases.

Sumunod na rito ang India na may 32,449,306 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,570,891 naman ang kaso sa Brazil habang 6,747,087 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,619,611
– United Kingdom – 6,492,906
– Turkey – 6,215,663
– Argentina – 5,133,831
– Colombia – 4,889,537
– Spain – 4,770,453
– Iran – 4,677,114
– Italy – 4,484,613
– Indonesia – 3,979,456
– Germany – 3,876,024
– Mexico – 3,225,073

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,444,678 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 190,220,474 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...