2nd round ng oil price rollback ikakasa bukas

Sa magkasunod na linggo, magtatapyas ang mga kompaniya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo.

 

Ang Shell, Cleanfuel, Caltex, Seaoil at PetroGazz at magbabawas ng P0.80 sa halaga sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.75 naman ang ibaba ng halaga sa kada litro ng krudo o diesel.

May P0.90 din na pagbaba sa kada litro ng kerosene ang Shell, Caltex at Seaoil.

 

Ala-6 ng umaga magiging epektibo ang bawas-presyo ng mga nabanggit na kompaniya maliban sa Caltex na alas-12:01 ng umaga bababa ang presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo.

 

Magugunita na noong nakaraang Martes, bumaba na ang presyo ng diesel at kerosene, samantalang hindi gumalaw ang halaga ng gasoline.

 

Inaasahan na susunod sa hakbang ang iba pang kompaniya ng langis.

Read more...