Salamat Pilipinas, mga kapwa ko Filipino at sorry na rin – Pacman

Humingi ng paumanhin si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa bansa at sa mga kapwa Filipino sa kanyang pagkatalo laban kay Cuban boxer Yordenis Ugas.

Sinabi ni Pacquiao sa kanyang Facebook post na ginawa aniya ang lahat para manalo at makuha muli ang WBA superwelterweight belt.

“I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best,” sabi nito.

Pinasalamatan din niya ang Panginoong Diyos sa lakas na ibinigay sa kanya para lumabas, gayundin ang kanyang pamilya na nananatili sa kanyang tabi.

I want to thank God for giving me the strength to fight. I thank my family for always standing beside me,” sabi pa nito.

At gayundin ang kanyang sumuporta sa kanya, lalo na ang mga Filipino.

Sa kanyang social media post ay may 11 larawan ng mga tagpo sa kanyang laban, kasama ang pagyakap sa kanyang maybahay na si Jinkee at iba pang kapamilya.

Read more...