Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Electrification Administration (NEA) administrator Edgardo Masongsong.
Ito ay dahil sa isyu ng korupsyon.
Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito dismiss sa public service si Masongsong.
Ayon sa Pangulo, ang Presidential Anti-Corruption Commission ang nagsagawa ng imbestigasyon at nagrekomenda na sibakin si Masongsong.
Patunay ito ayon kay Pangulong Duterte na seryoso ang kanyang administrasyon na walisin ang korupsyon sa pamahalaan.
Sinabi pa ng Pangulo na endemic ang korupsion sa pamahalaan.
Una rito, nagsampa ng kaso ang PACC laban kay Masongsong dahil sa pagpayag sa mga electric cooperatives na magbigay ng kotribusyon sa partylist campaign noong 2019.
MOST READ
LATEST STORIES