Duque paninindigan ni Pangulong Duterte

(Palace photo)

Patuloy na paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay kahit na nababalot ng kontrobersiya si Duque dahil sa pagpuna ng Commission on Audit sa P67 bilyong COVID fund.

“Ako maski buong Pilipinas plus kayo, ako minus, mag-isa ako, I can go down but with my values and principles intact. Prinsipyo yan e. Wala si Duque, he’s not even a campaigner. He was not even there during the elections na sumasama. But fairness is kailangan,” pahayag ng Pangulo.

“I’m sorry but I said, maski mag-isa na lang ako, I will stand for Duque even if it will bring me down,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi siya natatakot kahit na bumaba pa ang kanyang rating at hindi na maging popular.

Dagdag ng Pangulo, wala siyang pakialam dahil patapos na rin naman ang kanyang termino.

Giit ng Pangulo, gusto lang niyang magtrabaho ng matino at wala siyang pakialam kung ano man ang maging hatol ng taong bayan.

Ayon sa Pangulo, kahit na kalabanin pa si Duque, tatayo siya para sa kalihim.

Aminado ang Pangulo na may humihimok na sa kanya na paalisin sa puwesto si Duque.

Pero ayon sa Pangulo, dapat siyang bigyan ng sapat na rason para paalisin si Duque.

Giit ng Pangulo, kinuha niya si Duque at hindi naman nag-apply sa puwesto.

Kung ano man aniya ang pagkakamali ni Duque, ang Pangulo ang dapat na sisihin.

 

Read more...